Friday, January 8, 2016

Salipawpaw - Airplane

Salipawpaw

Salipawpaw

Ang salipawpaw ay isang uri ng sasakyang panghimpapawid ngunit mas mabigat kaysa hangin. May pakpak ang lahat ng mga salipawpaw. Glayder -- palutang, patangay, salimbay, o salibad ang tawag sa mga eroplanong walang makina o motor, sapagkat sumasabay at nagpapatangay lamang sa ihip ng hangin. Bagaman isang uri ng salimpapaw ang salipawpaw, minsang tinatawag din itong salipapaw o salimpapaw sa mapangkamalawakang diwa ng salita.

Salumpuwit - Chair

Salumpuwit
Salumpuwit

Salumpuwit


Ang salumpuwit (Tagalog upuan o silya, Ingles: chair)  ay gamit sa bahay o opisina na nagsisilbing patungan o luklukan ng puwit. Ginagamit ito bilang katambal ng hapag-kainan o maging sa pagbabasa man ng aklat o peryodiko, at maging sa pamamahinga lamang at paglilibang na kaharap ang umaandar na telebisyon. Mayroon din itong bahaging pinagsasandalan ng likod ng tao.

Ang mga upuan ay kadalasang sinusuportahan ng mga paa at may likuran na ginagamit bilang pang-sandal. Ang mga upuan ay pwedeng magkaroon ng tatlong paa lamang o magkaroon ng ibang hugis.